Whose fault is it? An experience with a famous caterer.

Just sharing a bad experience from a venue ocular and food tasting with a caterer.

I have already shared this to my fellow w@wies so I’ll just copy and paste everything.

====================================================

Hi w@wies,

Share ko lang experience ko last Sunday with Hizon’s FT at The Venue Plaza.
First and foremost, hindi ko alam kung kaninong fault yung nangyari kung Hizons ba, or kung sa The Venue, or sakin (sige na isasali ko na rin ang sarili ko).

Ganito kasi ang nangyari nun. Ininvite kami ng The Venue Prism Plaza para sa
ocular (“We would like to invite you the first open house on Sunday Sept 9 at
the VENUE so you can check out the place and have a sample of food tasting of
Hizon’s Catering.” – eto ang exact email nila). Tapos nag-confirm ako and then
tinanong kung ilan ang kasama ko. So ang sinabi ko naman eh tentative 5 kami.
Pero ang sabi ko hindi ko alam ang magiging arrangement kasi meron na kaming FT with Hizons ng Saturday sa ibang venue. So ang sabi ng kausap ko “Dont worry, We can still include you to our guest list for food tasting even if you already have different schedule with them on saturday.” Yan ang exact email sakin.

So come Sunday heto na punta naman kami sa The Venue. Hinanap ko si Chella (yung kausap ko) ang sabi sandali lang daw. May lumapit samin sabi wala raw si Chella lumabas lang sandali. So kinausap na rin namin yung girl regarding sa venue etc. And then nung parang napansin ko na gusto na kaming paalisin tinanong ko kung mag-sasample ba kami ng food nila. Umalis siya sandali then maya-maya may lumapit na samin. Nagulat ako kasi yung AE na kausap namin sa Hizons nung Saturday eh siya yung humarap samin. Sinabi samin na since nakapag-FT na kami nung Saturday eh hindi na kami pwede mag-FT ulit. Kung gusto raw namin eh magbayad kami. So syempre hindi pumayag ang lola niyo. Kasi in the first place we were invited by The Venue and wala naman sinabi na may charge yun. Todo explain naman ako. And buti na lang ready ako at pinrint ko yung email sakin pinakita ko yung sa kanya and then umalis saglit tapos pagbalik sabi seservan na lang daw kami ng food, maghati-hati na lang daw kami.

Nahiya ako sa parents ko at brother ko kasi excited pa naman sila mag-FT. Para
sakin ok lang naman na hindi na ako makakain kasi oo nga natikman na naman namin yung food nila. And kaya ko sila sinama kasi gusto ko ma-experience nila. Although sinervan nga kami ng food pero plated. They never let us experience the buffet. And ang sinerve lang talaga eh 3 plates! Take note 3 plates and plated pa! So nagmukha naman kaming kawawa nun diba. Hindi na kami pinag-buffet yung parents ko plated pa hindi pa kami talaga sinama ni h2b sa serving considering na plated na nga yun. I hope you get my sentiments.

Actually, nung pagkasabi pa lang na magbayad kami eh ready na kaming umalis
hindi na kami kakain kasi nabad trip na rin ako. Ayaw na rin ng Daddy ko tska
kapatid ko. Yung Mommy ko lang ang mapilit kasi ang point naman niya ibang tao ang kausap ko sa event na yun bakit yung AE raw ng Hizons ang humarap sakin. And ang bastos naman daw ng dating kung aalis na lang kami bigla. Ayun nung nagpaalam na kami na aalis na kami at hindi na mag-FT sabay naiserve yung food kaya wala na kaming choice kundi kainin kasi nakakahiya rin naman dun sa waiter at nangusap na yung tao na taga The Venue na kainin na namin yung food. If you could picture it, we are 5 sharing 3 small plates of food. O diba sana nandyan na lang yung batang may dala ng 5 loaves and 2 fishes at nagdasal kami para dumami yung food. Hindi na kami kumain ng Mommy ko binigay na lang namin sa boys tutal gutom na rin sila. Galing pa din kami Bulacan nyan ah.

Ayun, so sobrang sama talaga ng loob ko sa kanila pero kineber ko na lang tinurn to positive ko na lang. Inisip ko na lang at least pinakain kami kahit plated. At hindi naman namin sila kukunin.Hehe.. Grabe lang ang poor customer service nila. So ngayon hindi ko alam kung kaninong fault yun. Gusto ko sana eemail yung The Venue sa nangyari kaso sabi ni Rey wag na raw bayaan ko na lang yun kasi hindi raw lahat ng bagay dapat patulan. Kaya sabi ko sa kanya sige sa w@w na lang ako mag-shashare. Everytime na naiisip ko nakakasama talaga ng loob, para kaming nilimusan ng pagkain. And my sentiments are more for my parents naawa ako sa kanila at the same time napahiya ako sa kanila. Bakit yung ibang caterer pumapayag ng hanggang 5 ang guests. Hay ayan na naman ako.

Sorry girls kung medyo napahaba. Stop na ako dito kasi baka humaba pa lalo at
mag-rant ako nang mag-rant.

Thanks mga sis for reading!

Jenel 🙂

=====================================================

I’ve received different kinds of reactions from my sissies. Some were angry, some were pitiful, some were disappointed, etc. But nonetheless, it helped me move on knowing that these people were at my side.

Now whose fault is it? I don’t care anymore. Well, “quits na kami” coz I’m not getting any from them.

Advertisements

Gallery

Journeying James

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

I Just Want It To Be Perfect

Calm down. It's only the biggest day of your life.

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

Candidly Pretty

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

Rinse. Repeat.

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

The Chinay Tourister

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

{ weddings by vatel manila }

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

Aira Franco | Prenups

Styling x Designs x Quips

The Rebellious Brides

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

joedshares | joedshares

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

(Miss)adventures of the Missus

Been to many places now it's time for the flight to 101913...

Everything Etcetera

Life's infinite pleasures all summed up to Etcetera...

Heritage Conservation Society

The online database is now at www.philippineheritage.com

The WordPress.com Blog

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.